Sa loob ng higit kumulang Dalawangpu't - dalawang taon na paninirahan ko sa Payatas ay aking nasaksihan ang pag-unlad at pagsibol ng aming barangay...magandang kalsada...pagkakaroon ng iba't - ibang establisimento at kung ano-ano pa...subalit sa kabila ng progresibong barangay ay may kaakibat na problema na pilit kinukubli at NAGHIHINGALO...
Ako nga pala si Von isang volunteer... sa sampung taon kong pamamalagi at paglilingkod bilang volunteer sa mga paaralang pambuliko sa aming lugar dito sa Payatas ay taas noo kong masasabi at buong pusong ipinagmamalaki ang mga kaguruan at estudyante sa BARANGAY PAYATAS sapagkat akoy naniniwalang ang mga BATANG PAYATAS ay may ibubuga at ipagmamalaki sa larangan ng EDUKASYON, sa kabila ng PAGKA-UHAW sa estado ng pamumuhay sila'y nagsisikap upang ibangon ang kanilang SARILI at PAMILYA...
MASIKIP...MAINIT...BARADONG KUBETA...ilan lamang ito sa PASAKIT AT PAGDURUSANG susuungin ng dalawang-libo at tatlong daang ( as of June 2009 enrolment) kabataang mag-aaral ng MABABANG PAARALAN NG PAYATAS C, nakakapanlumong isipin ngunit ito ang KATOTOHANAN...dalawangpu't -dalawang taon na nagdurusa ang nasabing paaralan ngunit magpahangang ngayon ay patuloy na umaasa sa mga PANGAKONG NAPAKO...mahirap ngunit ano ang aming magagawa kailangan ituloy ang buhay...Marso ng kasalukuyang taon ang buong pamunuan ay nagalak sa isang magandang balita...balitang akala nami'y hangang panaginip na lamang...buwan ng Abril daw ay uumpisahan ng itayo ang apat na palapag na gusali kaya ilang araw ang lumipas ay ngakaroon ng soil test sabi nga ng isang guro "SA WAKAS MATUTULOY NA RIN AFTER 48 YEARS" sabi naman ng iba "BASTA AKO SA 4TH FLOOR PARA MAHIRAP PUNTAHAN NI SIR" naaliw ako sabi ko sa aking sarili talagang hinihintay nila ang bongang building,sana lang huwag maudlot...:( natapos ang testing...dumaan ang ilang linggo...nalalapit na ang Eleksyon ngunit wala pa rin gibaang nakikita..."TUTULOY PA BA???" napaisip ako at tila'y malapit ng madismaya...nagtanong-tanong ako...WALANG BILIHAN O BENTAHAN NA NAGANAP sabi ng isang opisyal ng HOA, nahal at hindi kayang bilihin ang buong lote...ANO!!!! sa madaling salita PINAASA AT UMASA ANG MGA TAO...kampanya ilang lingo para mag-eleksyon...nakadaupang palad ko ang anak ng Alkalde na si JOY BELMONTE sa kagustuhan ko malaman ang katotohanan naglakas loob akong magtanong sa kanya kung ano ang estado ng paaralan..."BALITA KO HINDI DAW MATUTULOY ANG CONTRUCTION???" sambit ko, "BLACK PROPAGANDA LANG YAN" bigla ako napaisip kung ito'y isang BLACK PROPAGANDA lamang marahil mayrron dapat silang pansalag ukol sa isyu...sa madaling salita suntok sa buwan ang lahat pawang ilusyon lamang ang magkarron ng bongang gusali ang paaralan...
NAKAPANLULUMONG isipin ngunit ito ang KATOTOHANAN SA KABILA NG MAUNLAD AT PROGRESIBONG LUNGSOD QUEZON AY MAY NAKUBLING SAKIT...SAKIT NA TILA'Y AABUTIN NG MAHABANG GAMUTAN...GAMOT NA HINDI PA NADIDISKUBRE...NGUNIT SA KABILA NG SAKIT AT PASAKIT NA DULOT NG KAKULANGAN SA PASILIDAD MANANATILI ANG PAGPUPURSIGE NG MGA KAGURUAN, ESTUDYANTE AT MAGULANG NG MABABANG PAARALAN NG PAYATAS C NA IAGAT ANG KALIDAD NG EDUKASYON SA ABOT NG KANILANG MAKAKAYA...
NAWA'Y MAGISING AT IMULAT NG MGA KINAUUKULAN ANG GANITONG SITWASYON AT HINDI PURO PANGSARILING KAPAKANAN AT KAPAKANAN NG MGA MALALAPIT SA KANILA ANG MANAIG...HARI NAWA'Y TABLAN SILA NG HIYA AT USIGIN ANG KANILANG MAG KUNSENSYA...
Ang hindi alam ng maraming mga pilipino ay ang katotohanan na ang mga batang pilipino ay isa sa mga kawawa at kapuspalad na mga bata sa buong mundo. Hindi ko ito napagtanto hanggang nang kami ay makapunta at manirahan sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos ng Amerika at Hapon, lalo na sa bansang hapon na ang edukasyon ay libre at compulsory hanggang ika-9 na grado. Sa Pilipinas, naglaboy-laboy ang maraming bata sa kalye na kinakalakal pa ng maraming dapat ay pinaghuhuhuli at kinukulong.
ReplyDeleteKailangang magkaroon ng batas na bigyan ng sapilitang edukasyon at welfare ang mga batang pilipino para na rin sa ikauunlad ng Pilipinas sapagkat ang mga kabataan ay siyang pag-asa ng Inang Bayan!