Tuesday, 17 August 2010
Saturday, 14 August 2010
Tuesday, 10 August 2010
PAGBABAGO O PAGPAPABANGO? ANG PANIBAGONG YUGTO SA SISTEMA NG EDUKASYON SA PINAS...
Ang Kagawaran ng Edkasyon ay naghahanda sa panibagong yugto sa sistema ng EDUKASYON sa ating bansa.ito ay isinaad ng ating bagong halal na Presidente Benigno Simeon Aquino III sa kanyang kaunaunahang ulat sa bayan (SONA)noong Hulyo 26, 2010 sa Batasang Pambansa.Ayon sa Kalihim na si Bro. Armi Luistro isa siya sa utak ng Pagbabago ng sistema o ang kilalang sa tawag na "EDUCATION REFORM AGENDA" ayon sa kalihim ito ay hindi imposible ngunit ito ay gugugol ng mahabang proseso hanggang sa susunod na administrasyon...
Sa patuloy na panawagan ng kasalukuyang administrasyon ng PAGBABAGO marahil dapat isipin at masusing pag-aralan ng mga namumuno ang kanilang balak na pagdagdag ng panibagong pasanin sa ating mga mamamayan...
nais ko po sana talakayin sa blog na ito ang mga BALAKID at ilahad ang aking opinyon ukol sa "EDUCATION REFORM AGENDA" ng Administrasyong Aquino.
Bilang isang Volunteer Aide sa pampublikong paaralan sa lungsod ng Quezon sa loob ng mahigit sampung taon marahil may sapat na akong kaalaman sa mga pangyayari sa sistema ng edukasyon at kabilang pa ang personal na karanasan na nais kong ibahagi sa mga makakbasa ng artikulong ito.
1. Una labis akong nanlulumo sa ating kasalukuyang kalagayan ng ating mga pampublikong paaralan sa bansa dahilan ng KAKULANGAN SA MAAYOS NA SILID ARALAN PARA SA ATING MGA MAG-AARAL, mantakin nyo sa loob ng dalawampu't dalawang taon ang mababang paaralang PAYATAS C ay patuloy na nagdurusa sa kakulangan ng silid aralan, higit pa dyan ang nararanasan ng kalapit na paaralan. Saan kayo nakakita ng mga estudyante na sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan ay naka-payong habang nagkaklase? o kung di man ay NAGLILIMAS ng tubig mula sa mga bubong na TUMUTULO...grabe nakakahiya di ba..."GANYAN KAMI SA Q.C" mantaking nyo SA QUEZON CITY YAN ISA SA PINAKA MAYAMAN NA LUNGSOD SA BANSANG PILIPINAS ayon sa butihing at kagalang-galang na ISPIKER NG MABABANG KAPULUNGAN AT DATING MAYOR NA SI FELICIANO BELMONTE!!!! kahit po si PNoy ay nakita ang sitwasyon ng PAYATAS C ELEM. dahilan doon sya nagdaos ng kanyang kaarawan.Sa tatlong-libong mahigit na kabataan ay nagsisiksikan sa 22 silid-aralan, 4 na kubeta ( 2 dito ay sira at barado),mga tagpi-tagping bubong...pagkatapos dadagdagan pa ito ng isang rekwang junkshop sa paligid...ilan lamang ito sa madaming problema kinakaharap ng kasalukuyang panahon...
2. Ang ikalawa ang kakulangan sa libro o textbooks...sabi ng nakaraang administrasyong Arroyo wala tayong kakulanagan sa libro o textbooks...Oo nga naman wala sapagkat sa sobrang luma at gutaygutay na pahina ng mga aklat sa pampublikong paaralan ito po ay dumoble...NAKAKATAWA ngunit napanglulumo isipin na ang gusto ng nakararami ay DEKALIDAD NA EDUKASYON eh paano it mangyayari??? sa kasalukuyan ratio ng libro at bata ay 1:5 ibig sabihin po nito sa limang mag-aaral sa bansa ay isang libro lang ang pinaghahatian hindi pa ito kabilang ang mga MALI-MALING inpormasyon sa mga textbooks...kung baga sa mga ibang gamit ay wala na itong silbi o inutil na...
Marami pa po dapat ikonsidera ang administrasyong Aquino...bukod sa mga kakulangan sa SILID-ARALAN, LIBRO, PALIKURAN, PAGTAAS SA SAHOD NG MGA GURO, ETC.. hindi naman po sa minamaliit ang kanyang hangarin na mapabuti o itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa ngunit kailangan muna natin LUTASIN ANG MGA KASALUKUYANG PROBLEMA NA KINAKAHARAP NG SEKTOR NG EDUKASYON...kung mayroon man tayong pondo o maglalaan tayo na panibagong budyet marahil tapusin muna natin ang problema...at iwasan ulit nating GUMAWA NG PROBLEMA NA ANG MAGSASAKRIPISYO AY ANG TAONG BAYAN....
Inuulit ko po ito po ay aking opinyon at base sa aking sariling karanasan bilang isang volunteer sa pampublikong paaralan ng PAYATAS C ELEMENTARY SCHOOL...
Sunday, 30 May 2010
Dalawangpu't - Dalawang Taong PAGDURUSA...
Sa loob ng higit kumulang Dalawangpu't - dalawang taon na paninirahan ko sa Payatas ay aking nasaksihan ang pag-unlad at pagsibol ng aming barangay...magandang kalsada...pagkakaroon ng iba't - ibang establisimento at kung ano-ano pa...subalit sa kabila ng progresibong barangay ay may kaakibat na problema na pilit kinukubli at NAGHIHINGALO...
Ako nga pala si Von isang volunteer... sa sampung taon kong pamamalagi at paglilingkod bilang volunteer sa mga paaralang pambuliko sa aming lugar dito sa Payatas ay taas noo kong masasabi at buong pusong ipinagmamalaki ang mga kaguruan at estudyante sa BARANGAY PAYATAS sapagkat akoy naniniwalang ang mga BATANG PAYATAS ay may ibubuga at ipagmamalaki sa larangan ng EDUKASYON, sa kabila ng PAGKA-UHAW sa estado ng pamumuhay sila'y nagsisikap upang ibangon ang kanilang SARILI at PAMILYA...
MASIKIP...MAINIT...BARADONG KUBETA...ilan lamang ito sa PASAKIT AT PAGDURUSANG susuungin ng dalawang-libo at tatlong daang ( as of June 2009 enrolment) kabataang mag-aaral ng MABABANG PAARALAN NG PAYATAS C, nakakapanlumong isipin ngunit ito ang KATOTOHANAN...dalawangpu't -dalawang taon na nagdurusa ang nasabing paaralan ngunit magpahangang ngayon ay patuloy na umaasa sa mga PANGAKONG NAPAKO...mahirap ngunit ano ang aming magagawa kailangan ituloy ang buhay...Marso ng kasalukuyang taon ang buong pamunuan ay nagalak sa isang magandang balita...balitang akala nami'y hangang panaginip na lamang...buwan ng Abril daw ay uumpisahan ng itayo ang apat na palapag na gusali kaya ilang araw ang lumipas ay ngakaroon ng soil test sabi nga ng isang guro "SA WAKAS MATUTULOY NA RIN AFTER 48 YEARS" sabi naman ng iba "BASTA AKO SA 4TH FLOOR PARA MAHIRAP PUNTAHAN NI SIR" naaliw ako sabi ko sa aking sarili talagang hinihintay nila ang bongang building,sana lang huwag maudlot...:( natapos ang testing...dumaan ang ilang linggo...nalalapit na ang Eleksyon ngunit wala pa rin gibaang nakikita..."TUTULOY PA BA???" napaisip ako at tila'y malapit ng madismaya...nagtanong-tanong ako...WALANG BILIHAN O BENTAHAN NA NAGANAP sabi ng isang opisyal ng HOA, nahal at hindi kayang bilihin ang buong lote...ANO!!!! sa madaling salita PINAASA AT UMASA ANG MGA TAO...kampanya ilang lingo para mag-eleksyon...nakadaupang palad ko ang anak ng Alkalde na si JOY BELMONTE sa kagustuhan ko malaman ang katotohanan naglakas loob akong magtanong sa kanya kung ano ang estado ng paaralan..."BALITA KO HINDI DAW MATUTULOY ANG CONTRUCTION???" sambit ko, "BLACK PROPAGANDA LANG YAN" bigla ako napaisip kung ito'y isang BLACK PROPAGANDA lamang marahil mayrron dapat silang pansalag ukol sa isyu...sa madaling salita suntok sa buwan ang lahat pawang ilusyon lamang ang magkarron ng bongang gusali ang paaralan...
NAKAPANLULUMONG isipin ngunit ito ang KATOTOHANAN SA KABILA NG MAUNLAD AT PROGRESIBONG LUNGSOD QUEZON AY MAY NAKUBLING SAKIT...SAKIT NA TILA'Y AABUTIN NG MAHABANG GAMUTAN...GAMOT NA HINDI PA NADIDISKUBRE...NGUNIT SA KABILA NG SAKIT AT PASAKIT NA DULOT NG KAKULANGAN SA PASILIDAD MANANATILI ANG PAGPUPURSIGE NG MGA KAGURUAN, ESTUDYANTE AT MAGULANG NG MABABANG PAARALAN NG PAYATAS C NA IAGAT ANG KALIDAD NG EDUKASYON SA ABOT NG KANILANG MAKAKAYA...
NAWA'Y MAGISING AT IMULAT NG MGA KINAUUKULAN ANG GANITONG SITWASYON AT HINDI PURO PANGSARILING KAPAKANAN AT KAPAKANAN NG MGA MALALAPIT SA KANILA ANG MANAIG...HARI NAWA'Y TABLAN SILA NG HIYA AT USIGIN ANG KANILANG MAG KUNSENSYA...
Subscribe to:
Posts (Atom)